First of all, gusto ko sabihin na wala ako pinapatamaan at pinaparinggan (ganyan kasi mga pinoy akala nila sila lagi ang pinaparinggan hahahaha!)
Ako ay nagmu-muni-muni lang habang nagluluto ng lunch sa mga bata...10 years na ako dito sa amerika...21 years old ako umalis sa Pilipinas (ayan nabuking pa tuloy age ng lolah nyo hahahaha!!!) at sa 10 years ko dito sa states, madami ako napapansin sa mga pinoys/pinays dito! I mean madami naman mababait talaga at masarap kasama pero mas madami ang mga EWAN! I'm sure kung dito kayo sa states nakatira ay naiintindihan nyo ang sinasabi ko!
Ugaling Pinoy #1: Chismosa
I'm sure alam nyo na ibig ko sabihin! Kahit dito sa states (at malamang sa ibang countries din na madaming nagma-migrate na Pinoy ay alam ito!) ay di nawawala ang pagka-chismosa nating mga Pinoy! Ultimo ulam mo kahapon ay kailangan nila malaman! Kung ano merong bago sayo or sa buhay mo itaga mo sa bato na alam agad yan ng mga pinoy na kakilala mo!
Ugaling Pinoy #2: Pakielamera
Opo. Ang mga pinoy hindi maialis ang ugali na makielam sa ibang tao. Mahilig magbigay advice kahit di mo hinihingi! Ang business ng ibang tao ay business din nila. San ka pa?? Laging may comment sa buhay ng ibang tao, hindi na lang mag-concentrate sa sarili nilang buhay, diba?
Ugaling Pinoy #3: Mayayabang
OMG do I even need to explain this?? May mga pinoys na kapag nakakarating sa amerika nagiging saksakan ng yabang! Parang nakalimutan na nila saan sila galing. Gusto lagi makipag-kumpetensya sa iba. Di bale na mabaon sa utang at mamatay sa gutom wag lang masabi ng iba na hindi nila kaya. At dyosko, ang nakakainis sa lahat ay yung mga kinakausap mo na ng tagalog ay english ng english pa din eh halatang-halata naman ang accent nila! Oy iha baka magdugo ilong mo nyan! ok lang kung ibang lahi kausap mo...pero kung kapwa mo na pinoy kausap mo at tinatagalog ka na...utang ng loob naman, wag mo na pahirapan utak mo kaka-ingles!
Ilan lang yan sa masasaklap na katotohanan. Di ako nagtataka na madami ako kakilala na nagsasabi na ayaw nila makihalubilo sa mga kapwa nila pinoy dahil nga daw mayayabang, chismosa, or mga plastic. Hay nakakahiya ano? Dapat tayo tayo magkakakampi dito sa amerika, pero hindi...
Tayong mga pinoy matatalino, artistic, talented, at mababait naman...sana wag nga lang lumabas ang mga masasamang ugali natin na dapat ay iniiwan na natin sa Pilipinas....
Labels: bato bato sa langit, muni-muni