Bullied.
Some of you might know na yung 2 kids ng next-door neighbor namin ay
sumasabay sakin sa paghatid-sundo ko kay Raye sa school.
When I picked them up earlier, pagkasakay na pagkasakay ni Leon sa kotse sabi nya sakin, "somebody hurt me at the playground". So when I asked him what happened, ayun nga daw he was bullied by another boy. Nahulog daw kasi yung bata sa monkey bars so pinagbintangan nya si Leon na hinulog daw sya (what a weirdo!!!).
Not only that, hinila nung bata ang pants ni Leon pababa so nagtawanan lahat ng mga bata sa playground. At di pa nakuntento ang demonyito, sinipa pa si Leon sa tyan! o san ka pa?? Lumaban si Leon pero ang ginawa nung isang bata hinila yung arms ni Leon and he said it really hurts a lot daw. Kawawang bata.
Tinanong ko kung nagsumbong ba sya sa teacher. Oo daw at the kid got in trouble with the principal. Turns out that kid's a little troublemaker pala and has been sent numerous times sa principal's office. What a little loser!!
Sabi ko kay Leon sabihin nya sa mommy nya ang nangyari para kausapin mom nya ang school and find out what really happened. Dahil kung sa anak ko ginawa yun, I will raise fucking hell and kakausapin ko magulang ng batang yan!
And what's really disturbing is, the kid is only in 1st grade!!!! Imagine kung ganong kalokohan pa gagawin nyan as he grows!!!